Muyas na Walang Tumbas
Sa panahon kung saan tila nagiging maliksi ang takbo ng modernisasyon, kaya mo bang ipagpalit ang mga piraso ng ang mga yaman ng kahapon?
Sa puso ng New Clark City, Tarlac ang balak na patatayuan ng kinikilalang “pax silica,” o ang 1,620 ektarya o 4,000 acre, na ecosystem na pang-industriya na nakatuon sa advanced manufacturing at mga teknolohiyang may kaugnayan sa Artificial Intelligence o AI. Mula sa salitang “Pax” o “peace” sa Latin, at “Silica” o “silicon,” ang pax silica ay magsisilbing ‘tulay’ ng Pilipinas patungo sa modernisasyon sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagiging sentro ng AI .
Paano na mga mga mamamayang nakatira roon? Mga pamilyang namuhay sa lupain ng kanilang mga ninuno, na maaaring pilitin na pa-alisin ng gobyerno para sa establishentong walang panigurado. Ang mga likas na yaman na unti-unting mauubos sa magiging pag-abuso upang maipatakbo ang establishemento.
Ayon sa pamahalaan, maaaring makahikayat ang proyekto ng mga pamumuhunang nagkakahalaga ng humigit-kumulang US$40–70 bilyon o ₱2.47 trilyon hanggang ₱4.32 trilyon at makalikha ng mahigit 130,000 de-kalidad na trabaho. Subalit, sulit ba na ipagpalit ang ating likas na yaman na ipinagkaloob ng ating mga ninuno para sa mga piraso ng papel na panandalian lamang ang halaga at hindi pa sigurado kung sa atin talaga pupunta?
Maliban pa riyan, hindi natin masisiguro na ang mga pinangakong trabaho ay mapupunta sa mga Pilipino. Sapat ba ang kasanayan at paghahandang ibinibigay ngayon upang matiyak na ang mga Pilipino mismo ang makikinabang sa mga trabahong nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan? Bagamat sa pagpapatayo ng establishimento, mga manggagawang Pilipino, ngunit pagkatapos nito, pinakamalamang ang mga magiging trabahante ay mga Amerikano.
Walang anumang bagay ang makapapantay sa halaga ng mga magagandang tanawin at likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng ating mga ninuno. Ang yamang ipinama sa atin ay isang muyas na walang tumbas, sa halip na pagbenta ng lupain na pabor sa mga dayuhan, dapat natin ito pangalagaan para sa mga susunod na mga henerasyon na dadaan.
