Singapore, binura ang Pilipinas sa Mens Badminton Sea Games 2023‎

Nakamit ng Singaporean player Loh Kean Yew ang mahalagang puntos laban sa Pinoy rising player na si Jewel Angelo Albo sa Sea Games 2023, ang laban ay ginanap noong Mayo 8, 2023 sa Morodok Techo National Stadium Badminton Hall sa Phnom Penh, Cambodia.

‎Sa simula palang ng laban nagpakitang gilas na agad ang atletang si Loh sa unang set ng laro sa iskor na 21-14 gamit ang kanyang matitinding smash na hirap labanan ni Albo.

‎Na muli namang niyang sinundan sa pangalawang set sa pamamagitan ng sunod sunod na smash sa kalaban.

‎Ang agresibong istilo ni Loh ay higit na nag papagod sa kalaban at tuluyang nauwi ang iskor sa 21-13.

‎Sa kabila ng malaking agwat sa puntos ng dalawa nanatiling matatag at determinado ang manlalaro ng Pilipinas na si Jewel.

‎Bagamat halatang nahihirap siya sa pag depensa sa bawat bagsak ng shuttlecock ng kalaban, patuloy niyang ipinakita ang kanyang naglalagablab na talento sa hanggang sa huling palo sa court.

Social Share :