Rarama at Panguyo, binugat and Monicons tungo sa Ginto

‎Nakuha ng Monicons ang ginto laban sa Larenians gamit ang kanilang nag lalagablab na bicycle kick at roll spike sa magkalapit na puntos 2-1 sa unang regu, 1-2 sa pangalawa at 2-1 naman sa pangatlo.

‎Pinangunahan ng atletang Vinz Rarama ang ratsada sa pamamagitan pagbibigay ng sampung puntos sa kada regu gamut and kanyang nakakamanghang Bicycle Kick at matinding Roll Spike.

‎Sinundan naman ito ng manlalarong Rons Panguyo gamit ang limilipad na horse kick serve, sa tulong ng blocker na si Leo Gonzalez upang mas patatagin pa ang depensa ng Monicons.

‎Sa malapitang laban ng dalawang grupo and Larenians naman at nakuha ang ikalawang regu dahil kay CaVRAA Meet Player Angel Dela Cruz na nag-ambag ng 8 puntos sa kada set gamit ang kanyang Sunback Spike, Role Spike at matitinding Digs.

‎Sa tulong ng kanilang Feeder at Blocker na sina Von Sabado at Kyle Guzman, nairaos naman ng Larenians ang pangalawang regu ng laro.

‎Sa pangatlong regu ng laro manan ay maagang nalampaso ng Monicons ang kalaban sa unang set, 15-10, na na binawian naman ng magkalapit na 13-15 ng Larenians at muli namang binawi sa 17-15 sa pangatlong set, na nagdulot ng kanilang tuluyang pagkawagi.

‎Dahil sa tagumpay na ito, sinungkit ng Monicons ang ginto, at nakatanggap ng 50,000 pesos galing sa LGU-Roxas bilang premyo sa kanilang pagkapanalo.

Social Share :