Rarama at Panguyo, binugat and Monicons tungo sa Ginto
Nakuha ng Monicons ang ginto laban sa Larenians gamit ang kanilang nag lalagablab na bicycle kick at roll spike sa magkalapit na puntos 2-1 sa unang regu, 1-2 sa pangalawa at 2-1 naman sa pangatlo.
Pinangunahan ng atletang Vinz Rarama ang ratsada sa pamamagitan pagbibigay ng sampung puntos sa kada regu gamut and kanyang nakakamanghang Bicycle Kick at matinding Roll Spike.
Sinundan naman ito ng manlalarong Rons Panguyo gamit ang limilipad na horse kick serve, sa tulong ng blocker na si Leo Gonzalez upang mas patatagin pa ang depensa ng Monicons.
Sa malapitang laban ng dalawang grupo and Larenians naman at nakuha ang ikalawang regu dahil kay CaVRAA Meet Player Angel Dela Cruz na nag-ambag ng 8 puntos sa kada set gamit ang kanyang Sunback Spike, Role Spike at matitinding Digs.
Sa tulong ng kanilang Feeder at Blocker na sina Von Sabado at Kyle Guzman, nairaos naman ng Larenians ang pangalawang regu ng laro.
Sa pangatlong regu ng laro manan ay maagang nalampaso ng Monicons ang kalaban sa unang set, 15-10, na na binawian naman ng magkalapit na 13-15 ng Larenians at muli namang binawi sa 17-15 sa pangatlong set, na nagdulot ng kanilang tuluyang pagkawagi.
Dahil sa tagumpay na ito, sinungkit ng Monicons ang ginto, at nakatanggap ng 50,000 pesos galing sa LGU-Roxas bilang premyo sa kanilang pagkapanalo.
