Pamamaril sa Maguindanao, ikinasawi ng dalawang biktima; isa sugatan
Nasawi ang dalawang biktima at sugatan ang isa matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang kanilang sinasakyan patungong Cotabato City mula Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Huwebes
Ayon sa police regional office ng Bangsamoro autonomous Region, patungo ng cotabato city ang mga biktima mula sa datu unsay nang pagbabarilin sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa motorsiklo nang makarating sa lugar ng insedente
Agad namang isinugod sa pagamutan ang 56-anyos na driver at ang 40-anyos nitong kasama matapos magtamo ng malulubhang tama ng bala, ngunit idineklarang dead on arrival ang mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga suspek, habang inaalam ang motibo sa pamamaril.
Agad namang nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatang biktima upang ipaabot ang kanilang pakikiramay.
